Wednesday, December 14, 2011

Full transcript of speech of Chief Justice Renato Corona on his impeachment - GMA News Online - The Go-To Site for Filipinos Everywhere

Full transcript of speech of Chief Justice Renato Corona on his impeachment - GMA News Online - The Go-To Site for Filipinos Everywhere

"x x x.

HINDI PO TAYO PAPAYAG NA LAPASTANGANIN AT ALIPUSTAHIN ANG DEMOKRASYA, AT ANG KORTE SUPREMA!

Sa isang iglap, nasampahan po ako ng isang impeachment complaint ng mababang kapulungan na kontrolado ng Liberal Party ni Ginoong Aquino at ng kanyang mga kaalyado. Sa sobrang bilis, parang wala po yatang nakaintindi o nakabasa man lang ng halos animnapung pahinang reklamo o habla. Isang daan, walumpu’t walong kinatawan ang basta na lamang lumagda rito para isulong ang aking impeachment. Kinikilala natin ang proseso ng Saligang Batas para sa mga reklamo laban sa mga miyembro ng Korte Suprema. Ngunit ang hindi natin kinikilala ay ang pag-abuso ng kapangyarihan at proseso para samantalahin ang lahat ng paraan, makapagtalaga lamang sila ng sarili nilang mga mahistrado sa Korte
Suprema.

Itong impeachment ay dala ng kasakiman na magkaroon ng isang Korte Suprema na kayang diktahan, na nakukuha sa tingin, at magkakandarapang ipatupad ang kanilang bawat hiling. Tila yata’y napipikon at hindi sila makapagtalaga ng kanilang punong mahistrado kung susundin ang ating umiiral na Saligang Batas. Kaya pati ang inyong lingkod, hadlang daw sa kaunlaran ng bayan at pagpapatupad ng
mga ipinangako sa kampanya!
Pasadahan po natin ang mga walang katuturang paratang ng ating mga magigiting na mambabatas. Walo (8) po ang hinain na paratang laban sa akin. Kaagad, makikitang dalawang uri ang bintang na nilalaman nito: sa isang banda, ‘yung mga reklamong tumutukoy sa mga personal kong kilos, at sa kabilang banda naman, ang mga reklamo na tumutukoy sa mga opisyal na pagkilos o hatol ng Korte Suprema. Mariin kong itinatanggi ang mga bintang na may katiwalian sa mga pansarili kong kilos. Hindi po totoo ang sinasabing ayaw ko raw ilabas ang aking Statement of Assets, Liabilities and Net Worth. Ito’y isang dokumentong sinusumite ko taun-taon ng walang patid.

Malaking kasinungalingan ang paratang na ito.
x x x."