DZMM Radyo Patrol 630 - Silveradyo
"x x x.
Nagsagawa ng kilos protesta ang grupong VACC sa harap ng Supreme Court upang iprotesta ang pag-dismiss sa disbarment case kay acting Chief Justice Antonio Carpio.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, dapat hindi ibinasura ang kaso dahil mawawalan ng katarungan sa Korte Suprema kung mananatili ito sa puwesto.
Una nang sinampahan ng disbarment case ni Lauro Vizconde si Carpio dahil sa paniwalang may kinalaman ito sa pagkaka-abswelto kay Hubert Webb sa kaso ng Vizconde Massacre.
Kasama rin sa kahilingan ni Vizconde ang disqualification ni Carpio bilang nominado sa Judicial and Bar Council (JBC) bilang CJ subalit iinasura rin ito ng korte. Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38
x x x."