Thursday, March 8, 2012

interview conducted by Arnold Clavio on Unang Hirit on March 7, 2012. - Article VIII Jester | Writing away with Blog.com

Article VIII Jester | Writing away with Blog.com

"x x x.


ce Chief Justice Renato Corona is doing a media blitz during office hours and on government pay, I might as well transcribe his interviews for the public’s understanding.
From the barako’s mouth, so to say.
Here’s the interview conducted by Arnold Clavio on Unang Hirit on March 7, 2012.
Among other things, Corona proudly admitted that he is the only stumbling block to the Hacienda Luisita Case. In his own words: “Ako po ang humaharang nyan at para yan mabayaran kailangan putulin yung ulo ko at ako ay tanggalin dyan.”
There you go.
Ladies and gentlemen, Corona admitted that, as Chief Justice, he sets the tone and leads the direction of the Supreme Court.
There’s goes the “collegiality theory.”
Read on, please.
——————————
Clavio:        Kakamustahin namen ang inyong pamilya at kayo na mismo, dahil ho sa kaliwa’t kanan na akusasyon na binabato sainyo, papaano nyo ho ito, ika nga-eh nako-cope at nagiging matatag ang inyong sarili.
Corona:      Well ah, in the whole ok naman kame. Maayos naman ang aming kalagayan wala naman ipinagbago sa aming kabuhayan. Kung ano ho dati ganun parin ngayon. Pero syempre hindi mo naman maalis na kame ay mga tao, mga tao lamang, eh sa mga iba’t ibang mga pang-iinsulto at pang-lalait na naibato laban samin syempre kame ay nasasaktan din, kasi eh sino ba naman hindi, ano, tatawagin ka kung ano-anong pangalan na wala namang basehan, sa tingin ko naman talagang pag sisinungaling lamang at bahagi ng isang “Professional Demolition Job”. Obvious na obvious na mayroong isang grupong Professional na ito’y ginagawa sa amin ito.
Clavio:        Ano na ho yung pinakamasakit na tinanggap ninyo? At ah na sinasarili nyo at ayaw nyong idamay ang inyong pamilya.
Corona:      Eh walang specific point eh. Kung di yung kalahatan eh. Yung kabuuan ng yung nilalait ang pagkatao mo, yung ah alam mo naman hindi totoo. Alam mo naman Black Propaganda, alam mo naman mayroong makinaryang gumagalaw Behind the Scenes. Yun nga sinasabi kong Professional Hotshot Job.
Clavio:        Sino-sino ho ba tong nandun sa Professional Hotshot Job daw yan na layong warakin yung katauhan mo o character mo.
Corona:      Eh.. marami na nga… may mga nagsabi saken kung sino-sino itong mga ito. Alam ko naman eh, kaya lang ahh.. hindi naman para awayin ko sila ganon.. siguro kahit ganon ang ginagawa nila eh nirerespeto ko parin naman. siguro kung ayun ang pananaw nila na trabaho lang ito walang personalan. Eh siguro pagbigyan ko nalang sila wala naman akong magagawa eh.
Clavio:        May pagsisisi ba na tinanggap mo yung sinasabing Midnight Appointment na syang pinagmulan ng lahat ng ito.
Corona: Hindi naman ito Midnight Appointment eh. Kasi unang-una dumaan naman ako sa masusing proseso. Na nakalagay sa Saligang Batas ano. Unang-una ayan ay dumaan ako sa Judicial & Bar Council at nakita naman ninyo ang pinagdaanan namen dun. Bawat aspeto ng buhay mo bubusisiin yung background mo, pagkatao mo, pamilya mo, trabaho mo, credentials mo, qualification mo, pag-aaral mo, lahat. Yan ay iniisa-isa dun ano.. tapos eh binigyan  parin yung publiko ng pagkakataon kung mayroong kumento, kung mayroong reklamo kung mayroong pang… ayan eh alam mo yan eh dalawang beses narin naman akong dumaan dyan sa JBC noh.. ako’y tinalaga bilang Associate Justice nuong 2002 at tska nuong 2010 nuong ako’y tinalagang punong mahistrado. At sinasabi ko sayo yan ay isang pinakamahirap na prosesong pagdadaanan ng isang mahistrado noh, kasi talagang umuulan dyan eh. Batikos at tsaka puri sabay yan sabay. At ayan pinagdaanan ko ng dalawang beses. At ah.. maikwento ko pala sayo Igan noh, ang dapat siguro maintindihan ng ating mga nakikinig yung proseso nyang Judicial & Bar Council yung pagtatalaga ng isang mahistrado sa Korte Suprema lalong-lalo na ang pagtatalaga ng isang Punong Mahistrado ayan eh isang napakahigpit na proseso. At ang requirements nyan eh nandun Saligang Batas may qualification ng age, background, experience, etc. etc. ano.. at ayan eh pinagdaanan naten ngayon yung sinasabi nilang Midnight Appointment eh hindi naman.. totoo yan! Kasi ang Pangulo ay makakapag appoint lamang dun sa listahan na binibigay sakanila o skanya ng Judicial & Bar Council at isa na nga ako sa magandang palad. Isa na nga akong dun sa mga nahirang o na-nominate ng Judicial Bar Council nun 2010.
Clavio:         Hindi raw mag tugma yung kita nyo, duon sa mga lumitaw na mga yaman at ari-arian ditosa Impeachment Court.
Corona:  Hindi totoo yan, hindi totoo yan, yan ay talagang sinasabi ko sayo at sinasabi ko sa ating sambayanan, hindi totoo yan po ay Black Propoganda at ayan ang papatunayan ko isang malaking pagsisinungaling pag ah.. next week mag uumpisa na yung aking depensa, presenta ng depensa at papatunayan ko lahat yan ay kasinungalingan. Na hindi nagtutugma, nagtutugma po at uulit-uulitin ko po nagtutugma po ang aking kita ang income, allowances at lahat at yung aking binili.
Clavio:         Kasi lumilitaw parang…
Corona: Ay isa pa, isa pang masasabi naten, ano ahhh..  pinalalabas kasi nitong mga Black Propaganda nung kabila na ako daw ay parang bagay…. walang-wala noh, na ako’y pumasok sa Gobyerno eh.. hindi naman po totoo yan kasi naman po kalahati po ng buhay ko ako naman ay top executive sa private sector na kumita naman po ng malaki duon.
Clavio:         May naipon na kayo ruon.
Corona: May naipon po. At saka di naman po yung.. yung.. pamilyang pinanggalingan ko hindi naman din po walang-wala at ganun din naman po yung pamilya ng Misis ko hindi naman po rin walang-wala na katulad na pinalalabas nitong Black Propaganda na ito. Ang ina-assure ko po sainyo sapul sa simula sinabi ko naman. Ako ay mag ahh… magpapaliwanag at mag..  I will give an adequate explanation of each and every cent that came in and went out.
Clavio:        Okay, personal kayong dadalosa Impeachment Court.
Corona: Yun po ang isang bagay na pinag-uusapan pa kung ahh.. ako kung ok dyan, ako open ako dyan, oo..
Clavio:        Ikaw, mismo.
Corona: Open ako dyan pero depende yan sa mga abogado kasi in this instance, hindi ako Punong Mahistrado kung hindi ako’y Cleyente lamang nung aking mga abogado kung anong sasabihin ng mga lawyers ko eh ayun ang aking gagawin.
Clavio:         May lumabas sa report sa Philippine Daily Inquirer na parang away pamilya yata ng iyong maybahay duon sa Korporasyon na yun. At may nabanggit duon na may tinutukan ka raw na baril at ang sabi mo pa nga pasabugan sya. Anong.. anong.. anong.. ito’y bahagi na rin nung sa Judicial & Bar Council diba, na isa sa mga reklamong ini..inihain duon. Ikaw ba may baril ka ba Chief Justice at ah.. tinutukan mo nga ba itong lalaking ito.
Corona: Naku po.. ah.. Igan, mabuti tinanong mo yan ano.. kasi siguro I will also ah.. to our people na ipaliwanag na yan na isang kasinungalingan malaki, isang kasinungalingang malaki. Ah.. unang-una hindi naman ako involved dyan sa problemang yan directly noh.. kasi ako’y parang nadawit lamang dahil ako nga eh in-law noh, kasi ako at tska ako’y lawyer; pangalawa yung sinasabi ni… Ano bang pangalan nun? Ana ba yun?
Clavio:        Si Ana… oo… Ana Baza.
Corona: Ana Baza, yan eh pinsang buo ng aking maybahay.
Clavio:         Ni Cristina.. opo.
Corona: Yang away ng pamilya nilang yan. Matagal na yan eh. That is about 30 years in the running noh.
Clavio:         At may kaso pa sa Korte.
Corona: Tatlo.. tatlo, hindi lang isa tatlo.. tatlo ang kaso nyan. Kaya I don’t really want to talk about the parents of the case kasi pending pa dun sa RTC of Manila pero ang masasabi ko lang dyan ah.. yun sinasa… yung pamilya nina Ana Baza at kasama na yung kanyang Ama, yung the Late Jose Baza at tska yung kanyang Nanay na Randy yata pangalan nun.
Clavio:         At may natitira lang isa yung Madre ata ho. Ano..
Corona: Ah…. Well, kapatid yun ng Jose. Kapatid yun ng Jose, ayun eh yung mga yan eh hindi naman sila Stockholder eh. Hindi sila Stockholder ng Korporasyon eh pinipilit lang nila Stockholder daw sila. Pero nakuha na nila yung share nila, kaya hindi na dapat sila eh parang sumasali pa rito na.. dito ayun na nga kinakalungkot ko. Kasi…
Clavio:        So, yung insidenteng yun eh hindi nangyari Chief Justice?
Corona: Hindi nangyari yun, hindi nangyari yun. Kasi kahit na tanungin naman ninyo sa lahat ng mga nakakakilala saken nun sapul sa simula eh, hindi naman ako kilalang mainitin ang ulo o may asal na ganyan eh. Hindi naman ako ganyang klaseng tao.
Clavio:         Oo. Pero wala kayong baril Chief Justice?
Corona: Meron akong baril pero hindi ako nagdadala ng baril.
Clavio:         Oo.. Oo.. Oo..
Corona: Pero hindi totoo yung nangyaring yun.
Clavio:        Na tinutukan mo pa.
Corona: Hindi nangyari yun.
Clavio:         Yun lalaki yun eh..
Corona:       Yun lalaking yun ang pagkatanda ko eh house boy nila yun eh.  Eh di shempre sasabihin mo kahit anong pirmahan nun o sabihin.  Yun ang katotohanan dun.
Clavio:         So si G. Pedro Aguilon, house boy nila.
Corona:       House boy nila yun eh.
Clavio:         Pero wala kayong baril, Chief Justice?
Corona:       Meron akong baril, pero di ako nagdadala ng baril. Pero di nangyari yun.
Clavio:         Kayo daw mag-asawa, n imam Crisitina, inapi niyo daw sila Ana at ang kanyang mga magulang.
Corona:       Palagay ko ang gusto kong tanungin siguro kung sino ang nang api kanino?  Kasi yung ari arian ni Jose Basa meron malaking hectare property jan sa Libis, yun katabi nun Eastwood.  Ang halaga nyan ngayon eh, dalawang bilyon.  Hindi dalawang milyon ah, dalawang milyon Piso.  Dati yan co-ownership yan ng Jose Basa yun tatay nun Ana at nung aking mother-in-law.  Ngayon tinatanong ko kung bakit all of a sudden nawala yun pangalan nun akin mother-in-law ko sa titulo at nailagay na lang nun Jose Basa sa pangalan niya nag-iisa.  Bakit ano nangyari sa pangalan ng mother-in-law ko, nawala na lang dun sa titulo.  Nakapag pa issue siya sa ng isa nang isa pang bagong titulo sa Jose Basa, pangalan lang niya.  So tinatanong ko, sino ang nag api kanino?  Compare mo naman yun, yun dalawang bilyon ari-arianng na solo num pamilya nun Jose Basa, kasama na nga yun Ana Basa dun at saka yun kaisa isang ari-arian  na ito ay sabi mga natin sa expropriate sa City of Manila.
Clavio:         So yun inutang niyo na 11 million sa SALN mo ay intutang mo sa mrs. mo o sa korporasyon.
Corona:       Sa korporasyon.
Clavio:         Ang bait naman ng Mrs. mo para pautangin ka ng 11…, pero binabayaran yun ano?
Corona:       Nabayaran na yun.
Clavio:         Dito sa SALN mo nun 2009 may nakalagay pa na 3 million
Corona:       Nabayaran na yun completely.
Clavio:         So dun galling yun?
Corona:       Accountable na kami jan lahat.. Fully accounted yan lahat.  Walang kulang walang labis.
Clavio:         Pwede bang masagot mo yun withdrawal mo ng tatlo yun mismong pin-file yun impeachment complaint laban sayo?
Corona:       Siguro di ako dapat magpaliwanag nyan, pero yaman lang na naitanong mo na rin, siguro kailangan sabihin ko na rin, ang dahilan nyan ay nawalan kami ng tiwala sa bangko eh.
Clavio:         Sa PSBank.
Corona:       Alam namin na dun galing ang leak.
Clavio:         Nun nag withdraw kayo alam niyo na may leak na ng bank documents?
Corona:       Oo, Kasi marami ang nagsasabi sa amin eh, matagal na kami sa lugar na yan eh sa Loyola heights area.  Marami dun mga depositors sa branch nay un ay  mga kakilala naming matagal na o kamag-anak naming nakatira dun sa area.  Ilan na yun nagsabi sa amin eh before that, November pa kwinekwento na samin,  yun ano si ganun ah pinag uusapan yun account mo, teka muna, napag usapan namin ng mrs. ko.  Ang kwento nga sa amin pati yun branch manager eh nagkukwento.
Clavio:         Si Tiongson?
Corona:       Ewan ko kung anong pangalan nun.
Clavio:         O hindi, si Tiongson.
Corona:       Basta may  suspetsa na kami na dun nanggaling yun leak sa bangko.  Pero facing a situation like that, ikaw ba magtitiwala ka sa bangkong ganun?  Hindi mo ba wiwithdrawhin yun pera kung ikaw ang nasa lugar namin?
Clavio:         So winidraw niyo nga yun?
Corona:       Pero intindihin mo kung bakit naming winidraw…. Kasi wala na kami tiwala dun sa bangko eh.
Clavio:         So nun mga panahon na yun na di pa malinaw na kung maiimpeach kayo o hindi ay may mga kilos na kayo nararamdaman na sisilipin na itong mga yaman at ari-arian niyo.
Corona:       Kasi di naman tayo parang bulag ang bingi dun mismo sa Malacanang eh matagal din naman akong nanilbihan dun sa Malacanang, marami pa rin naman mga kaibigan dun na nagmamagandang loob at tinatawag sa akin, minsan tinetxt sa akin ika ganito yun mga galawan ditto.  Hanggang ngayon naman eh, marami pa sa akin nagrereport na taga loob eh.
Clavio:         Pero yun sinasabing 36 Million na winidraw niyo,  ang initial reaksyon ng public, “Huh? San niya na kuha yun pera na yun”?  Yun na naman…
Corona:       Yun nga yun pera ng korporasyon.
Clavio:         Yun pinagbentahan ba ng lupa yun?
Corona:       Pinagbentahan ng lupa.
Clavio:         So yun ang magiging depensa niyo na iyon ay pera na galling sa korporasyon ng inyo pong may bahay.
Corona:       Di lang yun ang depensa ko, yun ang katotohanan.
Clavio:         Bakit daw hindi naka declare sa Statements Assets Liabilities and Networth niyo?
Corona:       Kasi di naman amin yun eh.  Kasi sa korporasyon yun eh.  Ikaw ba idedeclare mo sa SALN mo ang ari-arian na di sayo?  Shempre hindi. Dba?
Clavio:         Pero nakapangalan ba kay Mam Cristina yun?
Corona:       Sa korporasyon yun.
Clavio:         So ang mag dedeklara sa korporasyon, yun korporasyon.
Corona:       Yun korporasyon.
Clavio:         Pero ito pod aw ay hindi kinikilala ng Securities and Exchange Commission? Nag cease to operate na daw ito?
Corona:       Kasi nag expire na ang kanyang ano, pero the fact is andun pa yun kanyang ano corporate property kung ano ano pang ari-arian ng korporasyon, andun pa rin yun.
Clavio:         Kamusta pala kayo ni Associate Justice Antonio Carpio, naguusap po ba kayo?
Corona:       Oo naman, di naman kami ah….mga sanggano na nag-aaway… kami naman ay mga edukadong tao.
Clavio:         Hi, hello lang?
Corona:       Di naman, nag uusap din naman. Sa mga deliberasyon pa rin oh ano, tuloy pa rin ang trabaho.  Kasi di mo maiwasan yan kasi sa deliberasyon sa loob ng court en banc shempre may opinion siya, may opinion si ganito, may opinion din naman ako.
Clavio:         Pero di kayo duda na nasa likod din ng mga ito na umaatake sayo?
Corona:       Ano bang dapat na, ano ba gusto mong madinig?
Clavio:         Yun nasa loob po ng damdamin niyo.  Duda po ba kayo kay Associate Justice Carpio na nasa likod din ng mga pag-atake sa inyo?
Corona:       Eh di mo maalis sa akin eh, kasi matagal na nyang gusting maging chief justice, di naman natin maalis yun eh.  Saka alam kong mga partner niya sa law office niya eh, sila yun gumagalaw.
Clavio:         Yun black propaganda ho?
Corona:       Siguro…
Clavio:         May basbas po ni Carpio?
Corona:       Ewan ko…
Clavio:         Si Associate Justice Ma. Lourdes Sereno po, kamusta naman po ang, nagtataka ba kayo o bakit ba yun dissenting opinion ay mas nabibigyan diin dun sa o kaya ay nagkaroon ng paglabag sa judicial privilege dawn a sinasabi.
Corona:       Yan dapat natin talakayin ngayon eh, in my whole history, my whole life in the Supreme Court of about 10 years, ang pagkakaalam ko na ang proceedings sa Supreme Court, ngayon lang ako naka encounter na natalong opinion yun yun binibigyan ng diin.  At jan mo makikita yun professional propaganda.  Kung paano na dederecho yun baluktot at yunmaliay pinapalabas na tama at yun natalo pinapalabas na nanalo o yun nanaig.  Di naman ganyan eh, alam naman natin sa korte suprema ang majority ang nanaig hindi yun natatalo o nag didissent..
Clavio:         Kaya nababanggit yun, meron bang paglilinlang yun press conference po ni Atty. Midas sa issue po ng TRO. Kasi yun yun nasa dissenting opinion ni Sereno eh.
Corona:       Wala.  Si Sereno lang naman ang nagsasabi nun eh.  Kasi hinihintay nga naming na mag testigo siya sa impeachment court.
Clavio:         Hindi naman siya pinipigilan ano?
Corona:       Hindi siya pinipigilan.  In fact gustong gusto ko nga mag testify siya dun.  Siya yun umatras eh, sa pag testify sa impeachment court.  Ngayon, matanong mo bakit ko hinihintay, na siya ay pumunta dun at mag testify.  Kasi papatunayan ko na siya ay nagsisinungaling.
Clavio:         Wala na ho, inatras na yun article eh.
Corona:       Di na nga, siya yun ayaw pumunta dun eh.
Clavio:         Sabi niya, Inatras na daw.
Corona:       Siguro.
Clavio:         Tingin niyo, magkasagwat ba si Carpio at Sereno?
Corona:       Ano bang tingin mo?
Clavio:         Kayo, gusto kong tignan..
Corona:       Kung anong sasabihin mo, edi siguro…
Clavio:         Wala po akong nararamdaman eh.  Kailangan po mangyari sa inyo… kayo po inaatake di ako eh.
Corona:       Pero ikaw ang ano e, di bali, wag na natin pag usapan yan..obvious naman na kung ano dapat makita jan eh… Siguro di naman tayo bulag at bingi ano.
Clavio:         Eto po eh mejo personal, siguro nabasa na rin ng inyong may bahay at inyong mga anak, below the belt na daw yun tingin ng iba dito…Kayo po ba, for the record, may kilala ba kayong Eva Auria?
Corona:       Wala!
Clavio:         Na.. Teka, di pa ako tapos Chief Justice…
Corona:       Eh tinatanong mo ako kung may kilala ako eh.
Clavio:         Oo kaya nga po, lalaki rin po ako eh.  May kakilala ba kayo na Eva Auria at may anak daw po kayong dalawang anak na lalaki na di nakapangalan sa inyo?
Corona:       Wala! Saka di totoo yan!
Clavio:         Ano nanaman bahagi nanaman ng… nasaAmericadaw ho.. Nun nabasa niyo poi to, paano niyo naging kwentuhan, Mam Cristina, anjan po si Mam Cristina… Tayo tayo lang Chief Justice.  Shempre nabasa ni Mam Cristina ito.
Corona:       In fact, siya yata unang nakakuha sa email nia… Nalaman ko lang yan several days after. Nun nakuha ko yun, kasi di naman ako araw-araw nagbubukas ng email ko. Nun, finally after several days, prinint out ko yun, pinakita ko kay Mrs. Corona.
Clavio:         Ano bang tawag mo sa kanya, honey, babe?
Corona:       Darling with or without fault on may part ah.  Anyway nun pagkauwi ko pinakita ko sa kanya.  Iniexplain ko sa kanya magtatanong siya tungkol dun.  Ang reaksyon niya eh parang nagkimit balikat lang siya. Sabi niya na, “last week may kopya na ako nyan eh”…
Clavio:         Di niyo naramdaman na medyo…
Corona:       Wala.  Alam naman niya kasing wala eh.
Corona:       Ako nun personal nun natanggap ko po yun, agad ako naghanap ako na kung sino si Eva Auria. Nainggit po ako sa inyo eh.  Kasi po ang lumitaw eh modelo eh. Modelo saBrazil,Brazilyata oCentral America.  Ang ganda po nun babae eh, pero di Pilipina.
Corona:       Yun Brazilian model? Ay di ako mahilig dun sa Brazilian model.  Di ako yun.
Clavio:         Kung alam niyo yun love story nun dalawa, maiingit po kayo.  One and only niyo po si Mam Cristina.
Corona:       Oo naman.
Clavio:         At pinaalam niyo po sa tatay niyo na papakasalan niyo ito habang nag aaral kayo.
Corona:       Alam niyo po yun mga bagay na ganyan ang unang nakakaramdam niyan eh yun mrs. eh.  The fact na after several days eh pinakita ko sa kanya tapos nag ganyan lang siya.
Clavio:         Pero nun una niyong nakita yun, anong nasabi niyo na sobra na ho ito.
Corona:       Parang na amuse ako eh.  Ordinarily nga ang mga tao magagalit pagka ganun ano.  Pero ako na amuse, ang reaksyon ay more on amusement.  Pero may kasamang ines.  Pero after a while, sabi ko parang na abuse tuloy ako ditto sa sa istoryang ito kasi di naman totoo eh.
Clavio:         So kinantahan niyo si Mam Cristina ng La Vie en Rose?  So dun tayo sa kaso ayon po kay Senate President Juan Ponce Enrile, yun nga mas makakabuti kung kayo ang uupo sa witness stand at kayo ang magpapaliwanag sa senator-judge kung bakit sa tingin nila ang akusasyon ng prosekusyong kung bakit di tumutugma ang kita mo sa Statement of Assets and Liabilities and Networth.
Corona:       Handa naman akong pumunta dun eh, basta everything is dependent on Justice Cuevas and in my defense team… kung anong sabihin nila, yun ang gagawin ko.
Clavio:         Yun dollar account niyo controversial din eh, di niyo daw po binibigay yun o parang we waive eh dahil yun batas eh, dapat daw ma waive ng depositor.
Corona:       Di na kailangan i-waive eh.  Kasi ako na mismo magpapaliwanag eh.  Di ko naman maipapaliwanag yun ng hindi ko bubuksan eh.
Clavio:         Darating ang panahon, mag abang na lang sila.
Corona:       Oo, sandali na lang naman eh.
Clavio:         Mayplanopo ba kayo kasuhan si Cong. Umali at Banal dahil po sa hawak na bank documents, na labag daw sa bank secrecy law as depositor po ah.
Corona:       Isa sa pinag uusapan naming. Pero right now, hindi namin tinututukan yun issue na yun eh kasi mas importante yun makapag presenta ako ng aking depensa eh… saka na natin pag isipan yun.
Clavio:         Kamusta nap o ang tingin niyo kay P. Noynoy Aquino, hanggang ngayon ba ay pinepersonal pa rin ang dating ninyo at di yun kanyang direction sa public accountability?
Corona:       Siguro, more than that, sa akin di ko na iniisip yun mga bagay na yan eh. Siguro mas importante eh isipin natin ang kapakanan ng bayan kasi sa kabila nitong impeachment complaint na ito, itong situwasyon natin sa Pilipinas ngayon ay napaka tindi, tumitindi ang unemployment, tumitindi ang rising prices, yun mga gasoline prices, yun mga walang trabaho, kahirapan… siguro dapat natin pagtuunan ng pansin yun mga problema na yun.  Hindi kung ano ano. Kalaban dito, kalaban jan, aawayin ito, aawayin yun. Parabang ang lahat ng tao nag aaway na lang.  Hindi tama yun ganun eh, sa akin ano.  Hindi good governance yun ganun kasi mas makakabuti sa bayan kung mapayapa ang bayan kung tayo ay nagkakaintindihan at iisang direksyon ang hila ng ating mga leader.
Clavio:         Sinasabi ng iba, matapos ang impeachment court kung anong maging desisyong sa inyo damage na daw po kayo.  Isa sa mga teorya ditto.  Kung malilinis lang daw yun pangalan ninyo ay mag reresign na daw ho kayo.
Corona:       Sino nagsabi nun?
Clavio:         Eh di yun kabila.
Corona:       Yun na nga, eh di ikaw din sumagot ng tanong mo…
Clavio:         So hindi kayo mag reresign?  Kasi pag guilty tanggal na po kayo eh.
Corona:       Ang problema nyan ang mga nagsasabi na ako ay nabahiran ng ganito masama ay yun kabila lang naman ang nagsasabi nyan eh. Kasi nakakausap ko naman yun mga, naniniwala, yun mga kakampi ko, naniniwala sa akin… In fact, ang view nila, pag ako ay naabswelto jan, lalong tatatag, titibay ang hudikatura.
Clavio:         Ang institution.
Corona:       Ang institution.  Kasi yan naman yun pinaglalaban natin, di ko naman pinaglalaban yun sarili ko eh.  Alam po ninyo, I’m addressing this sa ating mga kababayan, alam po ninyo hindi madali yun pinagdadaanan namin, individually at as a family.  Kung ano ano na tinatawag sa amin, kami po ay nasasaktan, inaamin namin yun na kami ay nasasaktan at kami ay nalulungkot.  Minsan taong di pa naman kilala kung magsalita eh kung baga eh para bang kilalang kilala nila kami, napaka ganito ganyan ano.  Pero sabi ko, if this is the price that I have to pay to fight for the institution that I represent and for the country that I love, and for the people whom I identified with, yun ating sambayanan, gagawin ko.
Clavio:         May mensahe ba kayo sa magsasaka ng Hacienda Luisita?
Corona:       Sa magsasaka ng Hacienda Luisita dapat nilang maintindihan na yan Hacienda Luisitang yan ang puno’t dulo nitong impeachment complaint na ito.  Yun sinasabi nila, ganito raw, ganyan, hindi po totoo iyon.  Kasi nagalit lang yung magagalit sa akin, nagagalit saken yung nilabas naming yung Hacienda Luisita Decision.  Ngayon, bakit… matanong naman siguro sa akin, bakit naman gusto kang alisin dyan sa impeachment na yan, eh kasi kung hindi ako humaharang dyan sa hinihingi nila sa 10 Billion na kabayaran eh dun sa Hacienda Luisitang yan.  10 Billion ah.. hindi 10 Million. 10 Billion Pesos ang hinihingi nila para sa kabayaran dun sa Hacienda Luisita, ako po ang humaharang nyan at para yan mabayaran kailangan putulin yung ulo ko at ako ay tanggalin dyan.  Yan ang katotohanan, dyan yan ang puno’t dulo nitong impeachment complaint na ito.
Clavio:         OK. May mensahe ho ba kayo kay Mam Cristina, sa mga anak nyo, at nakasama sa pamilya nyo rito?
Corona:       Meron.. ah.. mahal ko kayo at ah.. salamat sa inyong suporta through thick and thin you’ve been there with me, for me and with me, all this time and never doubted me at sigruo yan naman ang.. pinag-kukunan ko ng lakas ng loob, na… to continue, to continue fighting for what I believe in.
Clavio:         Anong lesson ang natutunan mo dito, sa struggle na ito?
Corona:       Ah… If there is anything that I would like to ah… to describe noh, as a good.. something good  kasi, I’ll try to see… good.
Clavio:         Positive side.
Corona:       The good in every situation and the time in. Siguro parang napalapit ako sa Diyos eh, parang napalapit ako sa Diyos. Dati hindi namin ginagawa yung family prayer kung.. mag… nagdadasal kami bawat isa. Kanya-kanya dasal noh. Pero magbuhat nga nitong Impeachment Complaint na ito. We always gather together and pray as a family.
Clavio:         Tiwala ho ba kayo next week o matapos man ang Impeachment magiging victorious kayo, na sainyo ang huling halakhak.
Corona:       No. doubt about it. No doubt about it. Kasi wala naman akong kasalanan eh.. alam ko naman, alam ko naman gusto lang akong tanggalin dito dahil gustong-gusto nilang mabayaran nun 10 Billion ang Hacienda Luisita.
Clavio:         Yun lang po yun?
Corona:       Malalim po yun. Malalim po yung dahilang yan.
Clavio:         Ok. Maraming salamat po sa oras at panahon.
Corona:       Maraming maraming salamat din.
Clavio:         Overtime na po kame eh.. kayo nalang po magbayad ng abono nyo dito wala na hong pambayad sa oras dito. Ay Maraming salamat inyo po napakinggan si Chief Justice Renato Corona medyo inilabas nya ho ng konti ang kanyang damdamin at saloobin dito yan po ang ating naging talakayan maraming salamat po sa pagtutok.

x x x."